Matinding takot at pagkabahala ang nararamdaman ngayon ng grupo ng mga lokal na opisyal ng pamahalaan dahil sa sunod-sunod na pananambang sa kanilang hanay.
Ayon kay Gov. Dakila Cua, Presidente ng Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP), kakaiba na ang mga pag-atake sa mga LGU official. Ang panawagan nila ngayon sa Philippine National Police (PNP), paigtingin ang seguridad at kaligtasan ng mga komunidad at ng mga local government official.
“It is undeniable that the sizable number of killings of local government officials and the brazenness of this recent spate of deaths, combine to send a chilling message to our people, hindering the democratic process and threatening the stability of the nation,” ani Cua.
Ang ULAP ang samahan o grupo ng mga lokal na opisyal ng pamahalaan sa buong bansa. Saklaw ng ULAP ang mga opisyales ng bawat probinsya, lalawigan, munisipyo at barangay.
Kaugnay nito, binigyang-diin ng ULAP sa PNP ang mahigpit na police visibility sa mga lokal na pamahalaan. Nirekomenda rin ng gobernador na higpitan ang pagpapatupad ng Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act na nagbabawal sa iligal na pagdadala ng mga baril, at iba pang mga katulad na armas.
Recent News
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) said it has tweaked its “Bingo for A
DASMARIÑAS CITY, Cavite – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated here Wednesday, September
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.