Sa kasagsagan ng pandemya, maraming negosyo ang nagsarahan. Maraming industriya ang apektado’t mga empleyadong nawalan ng hanapbuhay.
Subalit ang negosyo ng droga, tuloy-tuloy lang. Sinamantala ang kawalan ng trabaho ng ilan para magkaroon ng pansamantalang pagkakakitaan.
Isa si “Kristine”, hindi niya tunay na pangalan mula pa sa Abra. Nahulog siya sa patibong ng isang sindikatong nasa likod ng pagsusuplay ng ipinagbabawal na droga.
Nang magsara ang Casino na pinagtatrabahuan ni “Kristine” ay inalok umano siya ng isang Chinese national na maging caretaker ng condominium sa Pasay.
Lingid sa kaalaman ni Kristine ay kuta pala ng pagrerepack ng mga ipinagbabawal na droga ang condominium unit na kaniyang babantayan.
Bukod dito, dahil bagong mukha at hindi siya taga Maynila ay ginawang drug courier ang dalaga.
Dahil sa pagbabanta sa kaniyang buhay na papatayin oras na siya ay tumakas, wala raw nagawa si Kristine kundi ang sumunod sa mga ipinagu-utos sa kaniya ng Chinese.
Dahil sa takot, patagong nagmemensahe si “Kristine” sa kanyang ina sa Abra. Nagmamakaawa’t humingi siya ng tulong na siya ay masagip at maialis sa condominium.
Nagpasya ang ina ni “Kristine” na lumapit sa BITAG para agarang masaklolohan ang kaniyang anak.
Alam ng BITAG na hindi magiging madali ang operasyon dahil sa loob ng condominium isasagawa ang pag-rescue kay “Kristine”.
“We have worked many times sa PDEA, the last (we had an operation) sa condominium din, paborito nila, hindi basta-basta mape-penetrate, dadaan sa lobby, may mga security, may mga guard lobby, by the time na makarating sa taas, linis na. ayon kay Ben “BITAG” Tulfo.
Agad nakipag-ugnayan ang BITAG sa Philippine Drug Enforcement Agency at grupo ng Special Enforcement Service (PDEA-SES) para sa gagawing rescue operation.
Ang maaksiyong pagrescue ng BITAG at PDEA operatives kay Kristine at sa pagkakadakip sa Chinese national na nasa likod ng bentahan ng iba’t-ibang klase ng iligal na droga, panoorin:
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation today said it has ordered one of its licensees
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco received on Tuesday,
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco today said the
ORANI, BATAAN – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated on Wednesday, March 12,
SILANG, CAVITE -- The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) pledged Php300 million in financial
Following its two successful photo exhibits last year, the Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.