Isang bangkay ng 67-anyos na matandang babae ang natagpuan sa loob ng sa isang storage box na itinapon sa Barangay Matictic, Norzagaray, Bulacan.
Lumalabas sa imbestigasyon ng mga awtoridad na suspek sa nangyaring krimen ang 28-anyos na lalaking anak ng biktima.
Base sa ulat, hinataw ng suspek sa ulo ang kanyang ina gamit ang kahoy sa kanilang tahanan sa Barangay Villalamok, Pasig City noong March 4.
March 6 nang mamataan sa CCTV ang suspek na hinihila ang isang storage box palabas ng kanilang bahay.
Marso 11 naman ng madiskubre ng mga tanod sa Barangay Matictic ang labi ng biktima na nakasilid sa puting storage box matapos i-report ng isang residente ang masangsang na amoy sa kanilang lugar.
Ayon sa isinagawang autopsy, blunt head trauma ang naging sanhi ng pagkamatay ng biktima.
Kasalukuyang hawak ng National Bureau of Investigation (NBI) angimbestigasyon sa kaso kung saan sinabi nila na saksi ang 6-anyos na anak ng suspek sa nangyaring krimen.
Inaalam pa rin ng awtoridad kung ano ang motibo sa papamaslang.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.