Kumpirmadong patay sa isang aksidente sa San Jose Negros Oriental ang isang reporter na nag-cover sa insidente ng pamamaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.
Ayon sa ulat ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), naaksidente ang mediaman na si Pegeen Maisie Sararaña, 24-anyos, nakatira sa Carcar, Cebu. Naganap ang aksidente noong Linggo, Marso 12 sa Crossing Siapo sa Barangay Tampi, San Jose Negros Oriental
Si Sararaña ay isang multi-media reporter ng Cebu Daily News Digital na nasa Negros Oriental para sa isang coverage kaugnay sa pagpatay kay Gov. Roel Degamo at 8 iba pa sa kanyang tahanan sa bayan ng Pamplona noong Marso 4.
Base sa ulat ng pulisya, papauwi si Sararaña at kanyang kasama sakay ng motorsiklo nang araruhin ng isang truck ang kanilang sinasakyan habang naghihintay makatawid ng kalsada.
Agad isinugod sa Negros Polymedic Hospital ang dalawa subalit binawian din ng buhay si Sararaña noong gabi ng Marso 13.
Inaresto ng awtoridad ang driver ng truck na kinilala bilang ang 27-anyos na si Nielric Gaso subalit agad din itong nakalaya sa dahilang hindi agad nakapagsampa ng kaso ang pamilya ng biktima.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.