Umaapela ng karagdagang tulong pinansyal ang ina ng apat na batang pinatay ng kanilang amain sa Cavite upang maipalibing ang kanyang mga anak.
Ayon sa ina na si Virginia Dela Peña, kakailanganin niya ng P150,000 upang maipalibing ang kanyang mga anak na sina Princess, Bianca, Jaclyn Coy, at Conrado na pinagsasaksak ng kanyang kinakasama sa kanilang tirahan sa Trece Martires noong Marso 9.
Kamakailan, nagpaabot na ng tulong ang gobyerno sa ina ng mga biktima kabilang dito ang P40,000 mula Department of Social Welfare and Development (DSWD) at P50,000 mula Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Subalit ayon kay Dela Peña, hindi raw ito sasapat sa P150,000 na halagang kinakailangan sa pagpapalibing.
Nanawagan naman si Dela Peña sa pamilya ng dalawang dating kinakasama na tumulong sapagkat aniya hindi niya kakayaning mag isa ang mga gastusin.
“Sana kung may kulang man dadagdagan nila dahil pare pareho naman kaming namatayan,” ani Dela Pena.
Bukod dito, nanawagan din si Dela Peña sa dalawang dating nakarelasyon na tigilan na umano ang paninisi sa kanya sa pagkamatay ng mga bata.
“Hindi raw mamamatay ang bata kung hindi ako naglandi sa ibang lalaki. Walang may gusto sa buhay na to. Samantalang noong mga buhay pa inetsapwera kami,” wika ng ginang.
Ayon sa imbestigasyon, limang buwan pa lamang magkarelasyon si Dela Peña at ang 38-anyos na suspek nang magdesisyon itong iwan ang kanyang mga anak sa kanyang nobyo upang magtrabaho sa Saudi Arabia.
Recent News
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.