KUNG mayroon mang nakakaalam sa totoong sitwasyon at nangyayari sa mga lalawigan, probinsya at munisipsyo, ‘yun ay ‘yung mga residente doon.
Kilala nila kung sino ang mga naghahari-harian at nagsisiga-sigaan sa kanilang lugar.
Kabisado nila kung sino ang mga umaastang “batas” na kontrolado at yuko sa kanila ang mga alagad ng batas, piskalya at huwes. Na kapag nagsalita o kumasa sa kanila, siguradong may kalalagyan.
Kilala nila kung sino ang mga abusado at kung sino ang sangkot sa mga ilegal na gawain.
Kilala nila kung sino ang nasa likod ng kriminalidad na kung magpapatay ng kaaway o katunggali nila, kumikitil na parang mga manok lang.
Hindi ko naman nilalahat, ganito karumi ang pulitika sa mga probinsya o provincial politics.
Mayroong isang kanta noong ‘80s, Beds are burning. Aplikable sa mga nangyayari ngayon ang ilang mga linya ng kanta. “The time has come, To say fair’s fair, To pay the rent, To pay our share. The time has come, A fact’s a fact, It belongs to them, Let’s give it back.”
Darating ang panahon, ang hustisyang nararapat dapat ibigay at dapat ipatupad.
Darating ang panahon na ang hustisya ay magiging patas. Kung ano ang mga ginawa ninyo, pagbabayaran ninyo alinsunod sa saligang batas.
Yung may mga utang, dapat magbayad. Walang makakalagpas.
Darating ang panahon na lalabas ang katotohanan at ang hustisya ay ipatutupad ng mga mga alagad ng batas at hukuman. Mangingibabaw pa rin ang criminal justice system.
Kaya yung mga nasanay na maghari-harian sa mga lokal na pamahalaan, kongresman man yan, gobernador o mayor, iniluklok man o in-appoint sa pwesto, nakatingin kami sa inyo. Nalalaman namin kung kayo ay patas at kung hindi ninyo inaapi ang mga constituent o mga boss ninyo, ang mga taong pinagsisilbihan ninyo.
Dumating na ang panahon ng katotohanan. Katotonanan at batas na walang sinasanto.
Panahon na para managot ang dapat managot. Panahon na para pagbayaran ang inyong mga pagkakautang at ang panahon sa patas na hustisya. The law applies to all or none at all.
Nakaka-relate sa akin ang mga nasa probinsya. Lahat ng mga sinasabi ko, base sa obserbasyon ko at sa mga ipinararating sa amin sa BITAG. Hindi ito base sa persepsyon lang. Persepyon na kung ano lang ang nabasa at narinig yun na ang gagawing basehan.
Sa isyu ng pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo, wala akong kinakampihan. Wala akong pinapanigan at wala akong pinagtatanggol. Hindi ako bumabalanse. Patas ako at parehas.
May bayag akong magsalita. Ang batas ay batas. Unfiltered.
Ito ang BITAG. Masanay na kayo.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.