A-22 ng Marso nang ipag-drive ni Joseph Balicuas ang kaniyang among lalaki at anak nito na parehong mga abogado.
Ang kanilang destinasyon, sa clinic kung saan magpapa-check up ang matandang abogado na kaniyang amo.
Subalit sa kalagitnaan ng commonwealth, nagkaroon daw ng diskusyon si Joseph at anak na amo. Pilit daw siyang inuutusan na gamitin ang bus lane para mas mabilis na marating ang clinic.
“Alam ko naman po na bawal na dumaan sa bus lane. Sabi ko nga sa amo ko kapag ako ba nadisgrasya o nakadisgrasya ay pananagutan niya. Sumusunod lang ako sa kung ano ang tama,” paliwanag ni Joseph sa panayam ng #ipaBITAGmo.
Ang ikinapikon umano ni Joseph, kinampihan ng matandang among lalaki ang anak nito. Sumang-ayon ito na dumaan sa bus lane.
Dahil sa inis, iniwan ng driver ang kaniyang mga amo sa commonwealth at dumiretso sa BITAG Action Center sa Timog, Quezon City para magreklamo.
Bagamat tumangging mapa-interview sa telebisyon, maayos na sumagot sa text message ang amo ni Joseph.
Anila, inilagay ni Joseph sa panganib ang buhay ng mga amo. Nagwalk-out ito na dala ang susi habang umaandar pa ang sasakyan.
Hindi umano nila papatulan ang sumbong ng driver at sa halip ay dapat na makipag-usap ito ng maayos sa kanila kung nais nang umalis sa trabaho.
“Tama ba ang ginawa mo Joseph o nagsisisi ka sa ginawa mo,” tanong ng program host na si Ben Tulfo.
“Tama po ako, wala akong pinagsisisihan sa ginawa ko,” walang pagaalinlangan nitong sagot.
Ipinaliwanag ni Tulfo na mali ang ginawa ni Joseph dahil nilagay niya sa panganib ang mga amo nang magwalk-out siya sa gitna ng kalsada. Subalit, nagmatigas si Joseph na kung ano ang tama ay ito lamang ang kaniyang susundin.
“Kung ako naging amo mo, pupukpukin ko ang ulo mo! Mali ang ginawa mo kung hindi ka sang-ayon sa ginawa ng amo mo sana nakikipag-usap ka na lang at naging magalang ka pa rin,” diin ng di na nakapagpigil na si Tulfo.
“Ibang usapan kung sinasaktan ka, pinagmumura ka, nilalait ka – tumakbo ka sa akin pero sa parteng ito nangangamuhan ka, may amo ka, irespeto mo sila,” dagdag ni Tulfo.
Napilitan man ay sumunod si Joseph sa payo ni BITAG. Bumalik ito sa kaniyang amo’t humingi ng kapatawaran sa kaniyang mga amo.
Sa isang text message na natanggap ng BITAG ay nagpasalamat ang mga amo ng nagrereklamong driver. Umiiyak daw na nakipag-usap sa kanina ang dating driver.
Bilang tulong ng mga amo ay hindi na pinabayaran ang utang nito na P21, 000. Bagkus ay binigyan pa ng mga amo ng pamasahe pauwi ng Northern Samar ang nagwalk-out na driver.
Panoorin ang buong kaganapan sa sumbong na ito sa #ipaBITAGmo:
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.