“Dumulog po ako sa BITAG upang malinawan at malaman ang tamang hatian sa death claim ng yumao kong asawa. Ang problema po nagkaroon ng second family ang yumao kong asawa na may dalawang anak. Ang gusto ng second family, gawing ¼ na lang ‘yung share ng anak ko. Nais ko po na kung ano ang nasa batas, ‘yun po sana ang masunod. Dahil daw po sa mas maliit pa ang kaniyang bunsong anak, ang gusto mas malaki ang makuhang share ng bunsong anak.”
Ito ang reklamong dinulog ni Jusielyn Liwanag sa #ipaBITAGmo. Mula Batangas ay personal niyang binisita ang tanggapan ng BITAG sa Timog, Quezon City hinggil sa mga benepisyong iniwan ng kaniyang yumaong asawa.
Higit tatlong taon na raw mula nang mamatay ang kaniyang asawang si Joselito Liwanag, dating OFW sa Saudi Arabia.
Ipinaalam kay Jusielyn ng dating kumpanya ng mister na may huling sweldo’t death claim pa itong makukuha mula sa Saudi.
Bukod dito, may nag-aantay ring Death and Burial Assistance mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na P100,000 at P15,000 naman para sa Livelihood Assistance.
Ang problema, nagkaroon ng pangalawang pamilya si Joselito. Dalawang anak ang naging bunga sa pangalawang misis.
Hinaing ni Jusielyn, bakit ¼ lang ng mga nabanggit na burial at death assistance ang matatanggap ng kaniyang anak gayong siya ang first wife?
Nauna nang tinanggihan ni Jusielyn ang kondisyon ng hatian sa 2nd wife ng kaniyang yumaong mister. Gusto umano siyang papirmahin nito ng waiver na nagsasabing binibitawan na niya ang kaniyang mga karapatan bilang first wife.
Ano ba talaga ang tamang hatian sa mga naiwang claims o benepisyo ng yumaong asawa?
Ayon sa resident lawyer ng #ipaBITAGmo na si Atty. Melanio “Batas” Mauricio Jr., “magkakaroon ng malaking suliranin kapag hindi nagkasundo ang mga pamilya ng isang SSS member. May karapatan ang SSS o ang OWWA na ‘wag i-release ang mga benepisyo hangga’t hindi nagkakasundo ang mga nag-aaway na pamilya kung paano ang hatian. Kaya mayroong extrajudicial settlement na binabanggit.”
“Isang pamilya lamang ang dapat na maghabol ng mga benepisyo at iyon ang tinatawag na lehitimong pamilya o ang kinasal sa miyembro ng SSS o iba pang ahensya,” paliwanag ni Atty. Batas.
Sa isyu naman ng hatian, “Sa ilalim ng batas, lehitimong pamilya, ay laging malaki ang share, dahil sila ang kinikilalang taga-pagmana. Pero ang mga anak sa labas, may karapatan na rin sa mana ngunit mas maliit ang tatanggaping mana kumpara sa mga anak sa kinasal. Ayon sa kodigo sibil, 50% ng lahat ng tatanggapin ng mga lehitimong anak,” paglilinaw ni Atty. Batas.
Subalit, paalala ni Atty. Batas Mauricio, may special regulation nang pinaiiral ang mga ahensyang gaya ng SSS, GSIS o OWWA hinggil sa mga benepisyong kanilang binibigay.
Mga menor-de-edad lamang raw ang may karapatan makatanggap ng benepisyong iniwan ng yumaong kabahagi ng pamilya.
Kaya ang hinahabol ng mga nabanggit na mga ahensya ay ang kasunduan sa labas ng hukuman sa pagitan ng una at iba pang pamilya o ang tinatawag na extrajudicial settlement.
Dito nagkaka-aregluhan ang bawat pamilya kung paano hahatiin ang benepisyo at mayroong lagda o pirma ng bawat miyembro o taga-pagmana.
Payo namang iniwan ng program host na si Ben Tulfo, “magbigayan na lang kayo tutal mga anak niyo, iisang tatay lang naman. Mag-usap na lang kayo para magkaintidihan kayo sa gusto niyong pareho. Mas maganda magpunta ka na lang sa bahay nila bilang ina. Mas magastos kapag pinaabot pa sa hukuman.”
Ang naging desisyon ng unang asawa na si Jusielyn? PANOORIN ang buong kwento:
Recent News
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.