Matataas na kalibre ng baril, mga bala, ito ang mga nahukay ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) matapos isagawa ang raid sa sugar mill compound na pag-aari ni dating Negros Oriental Governor Pryde Henry Teves.
Ayon kay PNP spokesperson Police Col. Jean Fajardo, isang impormante ang nagsumbong hinggil sa mga nakatagong baril at bala sa HDJ Agri-Venture Corp. Tolong Compound sa Bayawan City.
Nakita din ang isang vault na naglalaman ng mahigit P17 milyon cash. Agad din itong ibinalik ng mga awtoridad dahil hindi ito kasama sa search warrant na illegal possession of firearms.
Paglilinaw din ni Fajardo na walang kinalaman ang nasabing raid sa pamamaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.
Samantala, sa isang pahayag, sinabi ng dating gobernador na handa siyang makipagtulungan sa mga awtoridad matapos ang pagsalakay ng mga pulis sa kanyang compound.
Si Henry Teves ay kapatid ni 3rd District Congressman Arnie Teves.
Dalawang linggo na ang nakaraan nang halughugin ng CIDG ang mga bahay ni Congressman Teves. Nakumpiska dito ang iba’t ibang kalibre ng armas, mga bala at hand grenade.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.