Nahuli ng mga rumorondang pulis ang limang hinihinalang miyembro ng laglag barya gang sa Malate, Maynila kahapon ng umaga, Marso 27.
Ayon sa salaysay ng dalawang biktima (ayaw magpakilala), pumara at sumakay ang limang suspek sa sinasakyan nilang dyip dakong 6:30 ng umaga sa kahabaan ng Taft Avenue.
Nang mag-abot ng pamasahe ang isa sa mga suspek, sinadya nitong ihulog ang barya. Kinuyog din daw sila ng mga suspek kaya nakuha sa kanila ang kanilang wallet at cellphone. Nang malaman ng mga biktima na nawawala ang kanilang wallet at cellphone agad silang bumaba sa dyip at lumapit sa mga police bike patrol na tiyempong nasa lugar.
Mabilis namang sumakay sa dumaang UV express ang limang suspek at dito na sila hinabol ng mga nagpapatrolyang pulis.
Ayon sa imbestigasyon ng Manila Police District (MPD), nasangkot na sa kaso ng pagnanakaw at iligal na droga ang ilan sa mga suspek.
Binati naman ni MPD Director Police Brigadier General Andre Perez Dizon ang mga pulis bike patrollers dahil sa matagumpay na pag-aresto sa mga suspek.
“Nakikita po natin ang mabuting dulot ng “police visibility” sa ating komunidad, kami po sa MPD ay hindi magsasawang magpatrolya umaga man o gabi para sa inyong lahat. Nagpapasalamat din kami sa lahat ng mga taong patuloy na tinatangkilik at sinusuportahan ang aming serbisyo dito sa lungsod.” saad ni Dizon.
Recent News
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco received on Tuesday,
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco today said the
ORANI, BATAAN – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated on Wednesday, March 12,
SILANG, CAVITE -- The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) pledged Php300 million in financial
Following its two successful photo exhibits last year, the Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
MAMBURAO, Occidental Mindoro – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated on Friday, February
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.