Maingat umanong pinagplanuhan ng isang armadong dating mag-aaral ng Christian Covenant School ang pag-patay sa tatlong bata at tatlong school staff sa Nashville, Tennessee noong Lunes, March 27.
Ayon sa chief of police ng Metropolitan Nashville Police Department na si John Drake, ang suspek ay ang dating estudyante ng nasabing school na si Audrey Hale, 28-taong gulang na babae, na napag-alamang isang transgender.
Si Hale ay may mga mapa ng paaralan at “prepared for a confrontation with law enforcement,” sinabi ng hepe ng pulisya sa mga mamamahayag kasunod ng pinakahuling gun violence sa Estados Unidos.
Armado ng hindi bababa sa dalawang assault rifles at isang handgun, pumasok si Hale sa Christian Covenant School mula sa isang gilid na pasukan, na sinasabing pinagbababaril ang isang pinto at pinaputukan ng maraming beses habang papasok ito sa gusali.
Napatay naman ang suspek matapos makipag-barilan sa mga otoridad.
Kinilala ng pulisya ang anim na biktima, sinabing isa sa tatlong bata ay walong taong gulang at dalawa ay siyam na taong gulang, habang ang mga may edad na napatay ay nasa edad 60 hanggang 61.
Ayon naman kay Nashville fire department spokesperson na si Kendra Looney, lahat ng hindi nasaktan na mga mag-aaral ay inihatid palabas ng gusali kasama ang mga guro at kawani.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation today said it has ordered one of its licensees
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco received on Tuesday,
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco today said the
ORANI, BATAAN – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated on Wednesday, March 12,
SILANG, CAVITE -- The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) pledged Php300 million in financial
Following its two successful photo exhibits last year, the Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.