Sinampahan ng dalawang kasong graft sa Sandiganbayan si dating Quezon City Mayor Herbert Bautista dahil ng mala-anomalya umanong proyekto noong 2019.
Dawit din sa kasong katiwalian ang dating City administrator ng lungsod na si Aldrin Cuña.
Ang unang reklamo ay kaugnayan sa pagbabayad ni Bautista ng P32.107 million sa isang IT firm para sa pagbili ng online occupation permitting and tracking system.
Sa pag-iimbestiga, ginawa umano ni Bautista ang pag-apruba at pagbabayad sa nasabing pribadong kompanya nang walang approved appropriation ordinance mula sa Sangguniang Panlungsod.
Ang ikalawang graft case ay ang kuwestyunableng kontrata para sa paglalagay ng solar power system at waterproofing works sa QC Civic Center Building na aabot sa P25.342 milyon.
Sinabi ng Ombudsman na nilagdaan ni Bautista ang disbursement voucher para sa pagbabayad sa proyekto kahit walang aprubadong metering system.
Sa parehas na kontrata, si Cuña ang siyang nagsilbing guarantor na aboveboard ang proyekto sa pamamagitan ng paglagda sa certificate of acceptance.
Inirekomenda ng Ombudsman ang P90,000 piyansa sa bawat kaso. Sa ginawang pag-raffle ng kaso Sandiganbayan, napunta sa 7th at 3rd Division ang mga kaso ni Bautista.
Wala pang inilalabas na opisyal na pahayag si Bautista ukol sa mga isinampang kaso laban sa kaniya.
Recent News
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.