Naniniwala si Manila 6th District Rep. Benny Abante na mas makakabuti na isang panukalang batas na lamang laban sa diskriminasyon ang isulong.
Sa panayam sa beteranong mambabatas sa programang Strictly Issues, sinabi ni Abante na ang kanyang House Bill 188 ay nilikha at tutugon hindi lamang sa sa Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer, Intersex, Asexual (LGBTQIA+) community, ngunit sa lahat ng tao na maaaring maging biktima ng diskriminasyon.
“Ang pinagkaiba ng anti-discrimination bill lahat dito ay kasama, yung ethnicity, race, religion or belief, sex or sexual orientation, disability, educational attainment and other forms of discrimination.” wika ni Abante.
Dagdag pa ng mambabatas na may iba’t ibang anyo, level, at mukha ang diskriminasyon at hindi kailangan paghiwalayin ang mga ito o mag-pokus lamang sa isa.
“Marami ang biktima ng diskriminasyon pero hindi lamang pwede nating i-focus yan sa isa. For example lang, yung pinag-uusapan ang LGBT. Kapag LGBT lang ang binigyan natin ng importansya ay hindi magiging fair sa lahat,” ani Abante “Kinakailangang magkaroon ka ng iba’t-ibang mga classes ng discrimination. Bakit hindi nalang gawing isa? Kaya itong tinatawag nating added Discrimination Act of 2020. Kilala dito that discrimination exists and many different groups of people are victimized.”
Isa din sa pinunto ni Abante ang malaking diskriminasyon aniya sa mga indigenous people sa bansa.
“Ang mga Lumad, lahat ng ating mga katutubo sa buong Pilipinas talagang nakakaranas ng napakalaking diskriminasyon more than any other group. Ang pinaglalaban namin dito ay yung equal treatment dahil lahat naman tayo dito ay pantay-pantay sa mata ng batas, at sa mata ng Diyos,” dagdag ni Abante.
Kailangan din aniya na mabigyan ng pantay na pagtrato at oportunidad ang lahat at hindi gawin batayan ang edad sa trabaho.
“Hindi ibig sabihin ay 60 years old na yan, hindi na pwede yan. Maraming 60 years old na malakas pa. The issue of discrimination hindi dapat nababatay sa edad, status diba? Kasi marami naman yan, qualified magtrabaho, mayro’n naman siyang credentials. Kinakailangang pumasa yan sa human resource development test diba? Pero pwede naman ‘yan bigyan ng trabaho. Ayon sa kanyang kaalaman. Oh wag lang siyang idi-discriminate,” pahayag pa ni Abante
Recent News
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.