Sa 28 man pool na inilabas ng Samahang Basketbol ng Pilipinas noong nakaraang buwan, 11 sa mga players ay kasalukuyang nasa finals ng Philippine Basketball Association.
Ang naturalized player na sina Justin Brownlee, Scottie Thompson, Christian Standhardinger, Jamie Malonzo, Japeth Aguilar, Stanley Pringle, at Jeremiah Gray ay ang Ginebra stars, habang sina Calvin Oftana, Poy Erram, Mikey Williams, at ang nasugatan na si Roger Pogoy ang Talk n Text standouts sa 28 -man pool.
Gayunpaman,ang PBA finals ay maaaring magtapos ng Linggo, April 23, na magbibigay sa Gilas Pilipinas ng mas maraming available na manlalaro para makapagsanay.
Sa ngayon ay mag progreso naman ang ensayo ng Pilipinas nang magkaroon ito ng back to back practice sa unang pagkakataon.
Matapos isagawa ang “first real practice” nitong Lunes ng umaga, nagsagawa ng panibagong training session ang Gilas noong Martes ng gabi kung saan 10 manlalaro ang dumalo sa Meralco gym, sapat na para maglaro ng 5-on-5 at i-simulate ang kanilang natutunan sa opensa at depensa.
Inamin naman ni Chot Reyes na naiinggit ito sa Team Indonesia sa kadahilanang nagiging intact na ang kanilang national team lalo’t nasa Australia ang mga ito upang mag ensayo pa lalo.
They’re in Australia for their training camp,” saad ni Chot Reyes.
“They’re really serious.” Dagdag pang sinabi nito.
Ayon sa Indonesian Basketball Federation chairman Danny Kosasih, gusto nilang madepensahan ang kanilang korona bilang kings of Southeast Asia.
“For that we need to do the best preparation. That is why we are returning to Australia, where basketball is at world level.”ani Kosasih.
Recent News
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco received on Tuesday,
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco today said the
ORANI, BATAAN – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated on Wednesday, March 12,
SILANG, CAVITE -- The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) pledged Php300 million in financial
Following its two successful photo exhibits last year, the Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
MAMBURAO, Occidental Mindoro – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated on Friday, February
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.