Sinuspende ng Rain or Shine Elasto Painters ang kanilang big man na si Beau Belga ng 6 na araw na walang bayad matapos mag-laro sa isang ligang labas at pagka-sangkot sa isang away nitong linggo sa Cebu.
Matatandaang noong linggo ay may nag trending na video kung saan ay nakikipag suntukan ang big man ng NLEX Road Warriors na si Jr Quiñahan sa isang foreign player. Nakita rin sa insidente na ibinato ni Belga ang bola sa player na sinuntok ni Quiñahan.
Ayon sa team governor ng Rain or Shine na si Atty. Mamerto Mondragon nitong lunes, nakausap nila si Belga upang marinig ang kanyang panig.
“Nakakalungkot nga. ‘Di namin alam (na nag-laro si Belga sa isang exhibition game). Sinuspinde na muna namin siya ng six working days with no pay, but then, magmi-meeting kami bukas (Tuesday) so pupunta siya sa office,” saad ni Mondragon.
“Nakakahiya. Naglaro siya ng walang paalam.” Dagdag pang sinabi nito.
Samantala, sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial na nakita na niya ang video sa mga social media platform at ipapatawag niya ang mga players na dawit sa nangyaring insidente.
Recent News
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco received on Tuesday,
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman and CEO Alejandro H. Tengco today said the
ORANI, BATAAN – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated on Wednesday, March 12,
SILANG, CAVITE -- The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) pledged Php300 million in financial
Following its two successful photo exhibits last year, the Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
MAMBURAO, Occidental Mindoro – The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) inaugurated on Friday, February
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.