Lumabas sa isang pag-aaral na one-third ng mga plastic waste sa karagatan ay mula sa Pilipinas.
Binase ito sa ulat ng Our World in Data, isang online publication na tumatalakay sa iba’t ibang global problems na inilabas naman ng Washington Post noong Earth Day, April 22.
Simula umano nang maimbento at kumalat sa merkado ang mga tingi-tinging produkto na nakalagay sa mga plastic sachet, nagkaroon ng malaking pagtaas ng bilang ng mga plastic waste sa mga daluyan ng tubig.
Bilang isang bansang arkipelago na may 7,641 na isla at may 36,289 kilometrong baybayin at 4,820 na ilog, 35 porsyento ng plastic ang nailalabas umano ng Pilipinas patungong karagatan.
Dagdag pa sa ulat, bagamat may mga hakbang at mga batas na ipinatupad tulad ng Ecological Solid Waste Management Act of 2000 at ang National Plan of Action for the Prevention, Reduction, and Management of Marine Litter, nabigo pa din aniya ang Pilipinas na matugunan ang lumalaking problema sa plastic pollution.
Nakikitang dahilan ang malawakang kahirapan, gayundin ang mga malalaking korporasyon na nanghihikayat na bumili ng produkto na nakalagay sa plastic.
Ang polusyon na gawa ng plastik ang siya din pangunahing dahilan upang mabarhan ang mga daluyan ng tubig na siyang nagpapalala sa mga sakuna lalo na tuwing tag-ulan. Taong 2015, inireport din ng Ocean Conservancy and McKinsey Center for Business and Environment na ikatlo ang Pilipinas sa pinakamalaking pinagmumulan ng solid waste sa Southeast Asia at ang ikatlong pinakamalaking contributor sa plastic pollution sa karagatan sa buong mundo.
Recent News
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) said it has tweaked its “Bingo for A
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.