Nakaraang Abril, sa ikalawang beses ay nakumpiska ang mga paninda at sidecar ng sidewalk vendor na si Michelle Loresca matapos magkaroon ng clearing operation ang Brgy. Bangkal sa siyudad ng Makati.
Mahigpit na ipinagbabawal ng Dept. of Interior Local Government (DILG) ang pagtitinda sa mga sidewalk sa Metro Manila.
Ayon mismo kay Michelle, March 29, 2023 nang unang makumpiska ang kaniyang sidecar at mga paninda sa Brgy. Magallanes. Ibinalik ng Barangay kay Michelle ang kaniyang sidecar matapos mangakong hindi na ito muling magtitinda sa sidewalk.
Sa kasamaang palad ay hindi tumupad si Michelle sa kaniyang kasunduan sa Barangay. Kaya muling nakumpiska ang kaniyang sidecar at mga panındang chichirya, itlog, sigarilyo at softdrinks.
Sumbong ni Michelle sa BITAG, maayos siyang nakikiusap sa Barangay na ibalik ang kaniyang sidecar at mga yanında. Subalit imbes pakinggan ay pinagsalitaan siya ng masama ng peace and order officer ng Brgy. Magallanes.
Ipinaliwanag ni Ben Tulfo kay Michelle, na ang batas ay dapat sinusunod at hindi binabalewala. Maaaring kumuha ng permit ang sinumang vendor sa Barangay at pumuwesto lamang sa tama’t pinahihintulutang lugar.
“Kapag sinabing bawal, bawal lalo na kung may utos ang DILG. Madaling makiusap at manghingi ng konsiderasyon pero kung paulit-ulit ka lang na lumalabag ay mali na ‘yun.Handa kaming tumulong pero hindi pwedeng magamit ang programa namin sa paglabag sa batas,” payo ni Tulfo sa nagrereklamo.
Sa programang #ipaBITAGmo sa telebisyon, muling nangako si Michelle na hindi na siya magtitinda sa sidewalk.
Samantala, tumbling naman ang BITAG na mabawi ang mga nakumpiskang paninda ng vendor na si Michelle.
Panoorin ang buong detalye ng sumbong at aksiyon sa BitagTV YouTube Channel:
Recent News
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) said it has tweaked its “Bingo for A
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.