Hanggang ngayon ay hindi pa rin maubos-ubos ang mga sindikato. Ang mga sindikatong ito ang nagsasalba sa mga mandurukot tuwing sila ay mahuhuli.
Gaya na lang noon sa Pasay Rotonda EDSA. Garapalan ang pandurukot ng mga dorobo at tila wala na silang pakialam at takot. Araw-araw walang palya ang kanilang pambibiktima umaga man o gabi. Pero sa likod ng mga eksenang ito ay may mas malalim na istorya.
May nag-aalaga sa kanila kabilang ang tatlong notorious na grupo ng mga holdaper at snatcher (Apelong, Malibay, at Sto. Niño) sa lugar na ito.
Taong 2016, isang biktima ang lumapit sa BITAG upang tiktikan ang mga dorobong ito na kanya ring mga kapitbahay.
Ayon sa tipster na si alyas Gary, may iba’t ibang papel ang mga ito sa kanilang modus. May tagapitas ng alahas, mandurukot o pumipitik, at mga bugaw. Dito niya nilaglag ang tandem na si alyas Barok at Cathy. Si Barok ang spotter at kapag may nginuso siya, saka papasok si Cathy para mamitas kasama si alyas Paeng na nagsisilbing back-up niya.
Dagdag pa niya, wala raw nagagawa ang barangay, traffic enforcer, at ang kapulisan sa mga dorobong ito. Huhulihin lang sila at matapos ang dalawang oras ay nasa labas na at nambibiktima ulit.
Matapos ang dalawang linggong surveillance sa lugar, nakipag tulungan ang BITAG sa Regional Police Intelligence Operations Unit ng National Capital Region Police Office (NCRPO-RPIOU).
Sa pag-iimbestiga ng BITAG, napag-alaman na kasabwat din nila ang barangay.
Panoorin ang isinagawang operasyon ng NCRPO-RPIOU at ng BITAG:
Recent News
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) said it has tweaked its “Bingo for A
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.