Isang Pinoy nurse ang hinatulan ng professional misconduct ng Australian court dahil sa kapabayaan na naging dahilan ng pagkasawi ng isang pasyente.
Kinilala ang Filipina nurse na si Geraldine Lumbo Dizon na nagtatrabaho sa Nepean Private Hospital sa Kingswood, Sydney, Australia.
Ayon sa ulat, pinatay ni Dizon ang heart alarm ng isang 85-years old na pasyente sa kanyang night shift noong Hulyo 19, 2021habang ka-video call ang kanyang mga kamag-anak sa Pilipinas.
Napag-alaman ng New South Wales Civil and Administrative Appeals Tribunal nakalimutan ng nasabing nurse na isaksak muli ang alarm system pagkatapos ng kanyang shift na humantong sa paglala ng kondisyon ng pasyente na nauwi sa pagkamatay.
Napag-alaman din ng tribunal na dapat ay binigyan ni Dizon ng gamot ang pasyente, na may renal at heart failure, ngunit hindi ito nagawa dahil may ka-video call ito.
Nilabag din aniya ng nurse ang health and safety protocols ng nasabing ospital matapos mag duty ng 70 hours sa pagitan ng January and July 2021.
Hinatulan guilty sa kasong professional misconduct at unsatisfactory professional conduct ang nurse. Suspendido din ng isang taon ang kanyang nursing registration.
Taong 2006 nang marehistro bilang isang nurse sa Australia si Dizon.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) began another massive relief drive in Northern Luzon
Pag-IBIG Fund officially launched the Pag-IBIG Acquired Assets Online Public Auction (OPA) on Friday (November
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced that the local gaming industry’s Gross
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.