Taong 2004 nang isinagawa ng BITAG ang operasyon laban sa mga matitinik na “Bakal Boys” na tumatambay sa A. Bonifacio St. at Mayon St. sa Quezon City.
Sila ang mga grupo na nagnanakaw sa mga truck na dumadaan sa lugar. Umaatake ang mga ito tuwing trapik o kapag naka red signal ang traffic light.
Bunsod ito ng mga sumbong ng mga residente at biktimang drivers mula sa mga text messages na natatanggap ng BITAG. Kamot ulo na lamang daw ang driver at pahinante dahil sa takot na masaktan at maabala ng mga ito.
Ilang linggong nag-surveillance ng BITAG team sa lugar. at sa ilang oras lang na pagmamanman, napitikan ang mga galawan ng mga bakal boys.
Sumasampa, pumapailalim at kung minsan binubuksan ang likuran pinto ng mga truck, makapagnakaw lang ang mga ito.
Bakal at mga kagamitan na pwedeng ibenta sa junkshop ang target ng grupong ito. Karamihan din sa mga miyembro nito mga kabataan na tila pinabayaan o hinahayaan lang ng kanilang mga magulang.
At ang nakakalungkot, matapos ibenta sa junkshop ang mga ninakaw na bakal, ipinagbibili nila ito ng solvent o rugby na kanilang pagsasaluhan.
Sa ilang araw na pagmamatyag sa mga bakal boys, nagdesisyon ang BITAG na isagawa ang citizen’s arrest.
Sa oras na ma-consumate o maisagawa pagnanakaw, agad na itong huhulihin ng BITAG.
Panoorin ang kabuuan ng isinagawang aksyon sa link na ito.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) began another massive relief drive in Northern Luzon
Pag-IBIG Fund officially launched the Pag-IBIG Acquired Assets Online Public Auction (OPA) on Friday (November
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced that the local gaming industry’s Gross
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.