“Bakit ganun, alam naman natin na napakahalaga ng pagkain para sa mga pasyente, kailangan nila yan sa kanilang kalusugan, para sila mapagaling, ang nangyari, binalasubas po ang mga pagkain nila, kulang-kulang bitin.”
“Ibig sabihin (expletive), pati sa pagkain wala nang awa dudugasan niyo pa ang mga kawawang pobreng pasyente ng NCMH”
“Isa mga pasyenteng nakausap ko, sabi “bitin po sir ang pagkain dito”. Ibig sabihin, pati sa pagkain wala nang awa. Dinudugasan n’yo pa ang mga pobreng pasyente ng NCMH.”
Ito ang mga salitang binitiwan ni Senator Raffy Tulfo sa pagdinig ng Senate committee on health kaugnay sa pagpapatupad ng Mental Health Act nitong Martes.
Kaliwa’t kanan batikos ang tinanggap ni NCMH Director Dr. Noel Reyes sa senador dahil sa umano’y katiwalian sa nasabing pasilidad.
Naka sentro din ang tirada ng senador sa dalawang opisyal ng NCMH na sina Dr. Alden Cuyos at Dr. Beverly Azucena dahil sa umano’y nagmamaniobra ng mga kontrata sa loob ng NCMH.
“Dati po yung mga pagkain, yung raw food products. Bini-bidding po yan under goods and after yung manalo sa bidding, dinadala yung raw food products, meat poultry vegetables, fish doon niluluto ng dietician, P80M ang worth noon at that time.
“Now ano ginawa ni Azucena at Cuyus, ang ginawa nila outsource ang bidding para sa food”
“Biniyak-biyak nila yun kontrata na dapat isang kontrata yun. One contract for breakfast, lunch and dinner under one contract which is wrong.”
Ito aniya ang naging dahilan kung bakit sumipa mula sa P80 milyon na budget sa pagkain, umabot ito sa P250 milyon.
“Matapos nila ma-outsource yung sa food, three years contract, biniding yung 1st year , succeeding 2nd year third year wala po bidding kasi nilagay niyo na po sa services 2nd year renewal, 3rd year renewal , pwede nilang taasan yun, from 80 to 250 milyon dahil iyan sa pagsasabwatan ni Dr. Azucena at Dr. Cuyus.”
Depensa naman ni Reyes, ang pinatay na si Dr. Roland Cortez ang nagpasimula ng “outsourcing” ng mga pagkain.
Dito mas lalo nag-init si Tulfo at sinabi na mabuting opisyal si Cortez dahil sa pagsisiwalat noon sa katiwalian sa NCMH.
“Nakakalungkot po na ginagamit mo ang pangalan ni Dr. Cortez, patay na po siya, wala na po siyang kakayahan na idepensa ang kasinungalingan yung anumang allegation meron kayo.”
Sinabi ni Sen. Tulfo na ang mga pasyente sa NCMH ay walang kakayahang makapag reklamo at matagal nang inaabuso kaya panahon na para putulin ng Senado ang sungay, pangil at buntot ng mga taong sangkot sa katiwalian sa NCMH.
Recent News
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.