Nais baguhin ni Sen. Raffy Tulfo ang umiiral na proseso sa Department of Labor hinggil sa mga inirereklamong employer na lumalabag sa minimum wage law.
Sa ginanap na hearing ng Senate Committee on Labor kahapon, sinabi ni Tulfo na bukod sa pagbayad ng mataas na multa, kailangan din bayaran ng ora mismo ng employer ang kanyang manggagawa sakaling makitaan ito ng matibay na ebidensya.
“Dapat one-strike policy ang pairalin laban sa mga isinusumbong na mga tiwaling employer sa DOLE,” ani Tulfo
“Kapag may iprinisintang matibay na ebidensya ang manggagawa laban sa kanyang amo na hindi nagbibigay ng tamang pasweldo at benepisyo, kailangan agad-agad patawan ng parusa si amo at obligahin na magbayad,” dagdag ni Tulfo.
Sa kasalukuyang patakaran, kailangan pang dumaan sa proseso ng Department of Labor ang mga manggagawa at magpresinta ng mga ebidensya.
Dito inaabot ng mahabang taon bago pa sa makamit ng manggagawa ang hustisya.
Nais ni Sen. Tulfo, Vice Chairperson ng Committee on Labor, na tanggalin na ang mahabang anti-poor na prosesong ito. “Ito na dapat ang bagong patakaran, Wala nang marami pang satsat,” ani Tulfo.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
A bettor from Balagas, Batangas City won ₱46,546,547.80 in the Lotto 6/42 drawn last October
A housewife from Calamba, Laguna won the MegaLotto 6/45 jackpot prize amounting to ₱30, 221,
Mandaluyong City – A stay-at-home mother from General Trias, Cavite, has claimed the P19,033,913.00 jackpot
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) began another massive relief drive in Northern Luzon
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.