Isang concerned citizen mula Camarin, Caloocan ang nagreklamo sa #ipaBITAGmo. Ang isinumbong niya, kapitbahay nila na nagpatayo ng basketball court sa kanilang lugar.
Ayon kay “Gina,” hindi sila makatulog ng maayos sa tuwing may naglalaro sa kalye na ginawang basketball court.
Ginawa na rin daw itong tambayan, sugalan at public CR ng mga pasaway at tambay doon.
Agad tinawagan ng BITAG ang Brgy. 175 sa Camarin, Caloocan. Sabi ng barangay, wala silang pahintulot na magtayo ng basketball court sa lugar. Ngayon lamang daw nila nalaman na may basketball court doon.
Dismayadong tanong ni Ben “BITAG” Tulfo, baka patulog-tulog kasi sila sa pansitan.
“Walang masama sa pagtayo ng basketball court keysa gumamit sila ng bawal na gamot pero sa reklamo na inilapit sa BITAG, ginawang tambayan at sugalan na raw ang basketball court, perwisyo imbes na tulong. Dapat unang nakaka-alam dito ang barangay kung angkop ba ang lugar na patayuan ng basketball court” paliwanag ni BITAG.
Kaya ayun, agad ring tinanggal ng barangay ang perwisyong basketball court.
Nag-iwan din ng mensahe si BITAG sa barangay.
“Simple lang po kung tinanggal niyo, salamat. Pero pakisabi sa sa barangay ninyo, huwag mag bibingi-bingihan. Dapat inalam niyo sino ang nagtayo nyan.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) began another massive relief drive in Northern Luzon
Pag-IBIG Fund officially launched the Pag-IBIG Acquired Assets Online Public Auction (OPA) on Friday (November
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced that the local gaming industry’s Gross
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.