Naharap at napatawad na ni Ben Tulfo si content creator Rendon Labador.
Bumisita is Labador sa tanggapan ni Tulfo noong Miyerkules (May 24) sa Quezon City upang humingi ng dispensa sa kilalang public service personality.
Ayon kay Tulfo, kaniyang inintindi ang naging aksyon ni Labador at inunawa ang mga sinabi na nagdulot naman ng kaniyang pagbibigay patawad sa controversial vlogger.
“Pag ang isang tao nagpakumbaba, wala po kaming problema diyan kungdi intindihin. Pag ang isang tao humihingi ng paumanhin at humingi ng patawad, wala ho kaming ibang gawin kungdi patawarin at unawain,” ani Tulfo.
Nag-umpisa ang alingasngas sa pagitan nina Tulfo at Labador nang lumabas ang isang fake news na tinuligsa umano ni Tulfo si Labador sa kaniyang pag-insulto umano kay veteran comedian Michael V.
Pinatulan ni Labador ang nasabing fake news na naging dahilan naman para umalma si Tulfo sa kaniyang programa at social media accounts na may halos 5 million followers.
“Lahat po tayo nagkakamali. Wala pong perpekto at may puwang po lagi para sa taong nagkakamali na pag nalaman ninyo na may pagkakamali silang nagawa, at lumapit, nagpakumbaba, humingi ng dispensa, humingi ng sorry tulad ni Rendon, eh pinatawad ko nap o,” dagdag pa ni Tulfo.
Pinayuhan na lamang din ni Tulfo si Labador na respetuhin ang mga nakamit ng mga sikat na personalities kahit na umabot ang mga ito sa puntong nawawala ang kinang ng kani-kanilang careers. “Likas po kami diyan. Mga Tulfo. Mababangis po kami. Mga tigre, leon. Pero pagdating po dun sa pagpapakumbaba, siguraduhin lang natin yung pagpapakumbaba ay totoo. Hindi po inarte. Nararamdaman ko yan,”ayon pa kay Tulfo.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) began another massive relief drive in Northern Luzon
Pag-IBIG Fund officially launched the Pag-IBIG Acquired Assets Online Public Auction (OPA) on Friday (November
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced that the local gaming industry’s Gross
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.