Isang simpleng pamamasyal lang, nauwi sa sakuna.
Ito ang naranasan ni Patricia kasama ang kaniyang ina at walong taong gulang na anak nang sila ay nakasakay sa taxi papunta sa isang mall sa Pasig City.
Araw ng Miyerkules, May 10, binabagtas nila ang kahabaan ng Ortigas Avenue sa Pasig City nang biglang napalipad ang kanilang taxi.
Ito’y matapos madaanan nila ang isang malaking butas sa kalsada na hindi maayos ang pagkakatakip ng steel plate.
“Nawalan po kami ng malay dahil tumama po kami sa magkabilang pinto. Tapos nagkaroon po ng fracture si Mama ko, pagkagising ko duguan na si Mama ko. Tapos yung anak ko namamaga yung kabilang hita po,” ani Patricia.
Si Patricia, nagkaroon ng mild concussion. Ang kaniyang anak, may mga pasa sa katawan habang ang ina na si Imelda, nadurog ang ilong at hindi pa makalakad hanggang sa ngayon.
Sa kabila ng tindi ng pinsala na kanilang natamo, tumanggi ang taxi driver na dalhin sila sa ospital.
“Pag labas ko may isang concerned citizen na tumulong sa amin at nagdala sa amin sa Medical City,” ani Patricia.
Sa kanilang paglapit sa #ipaBITAGmo, naikwento ni Patricia ang tila pagbabalewala sa kanila ng dapat sana ay responsable sa kaligtasan ng mga motorista sa nasabing lugar.
Sa ngayon ay umabot na sa halos P200,000 ang gastusin ni Patricia para sa pagpapagamot nilang mag-iina.
“Panawagan ko po Sir Ben at sa #ipaBITAGmo, n asana p matulungan ninyo kami kasi sobrang malaki na pong aberya sa amin ito dahil hindi po nakakapasok sa trabaho at lumalaki na din po ang bill sa ospital at di pa rin po makainom ng gamut si Mama,” ani Patricia.
Abangan ang mga gagawin na hakbang ng #ipaBITAGmo sa IBC-13 at CLTV 36, Lunes hanggang Biyernes, 10:30AM.
Recent News
Two bettors who won the jackpot prizes of two separate lotto games claimed their winnings
A bettor from San Jose del Monte, Bulacan hit the massive jackpot prize of the
LAOAG CITY – Over 3,000 residents of Ilocos Norte benefited from vital health services and assistance
An Overseas Filipino Worker in Middle East on vacation in the Philippines emerged as the
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) was invited to a briefing held by the
The Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) donated wheelchairs to the 2nd District of South Cotabato
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.