Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang isang comprehensive plan para maiwasan ang pagbaha sa Metro Manila.
Sa kaniyang video message na inilabas sa Presidential Communications Office Facebook page, ipinag-utos na ni Marcos sa Water Resources Management Office ng Environment Department ang pagpapatayo ng water impounding facilities.
“Huwag natin naman sana tinatapon ‘yung tubig dahil kailangan na natin iyang tubig na iyan. So, gumagawa rin kami ng paraan para maipon ang tubig,” ani Marcos
Binanggit ng Pangulo ang flood control projects ng DPWH sa Metro Manila at sa paligid nito na may budget na P351 billion.
“Naghahanap ngayon kami ng mga lugar sa labas ng Maynila kung saan puwedeng maglagay ng mga malaking large na impounding areas. Para doon natin kokontrolin, hindi na papasok dito sa Maynila. At mayroon pa tayong naipon na tubig para sa agrikultura, para sa iba’t ibang gamit,” dagdag ni Marcos.
Martes nang magkaroon ng sectoral meeting si Marcos sa DPWH kung saan tinalakay din nila ang pagresolba ng pagbaha sa mga lugar sa Pampanga, Cavite, Leyte at maging sa Cagayan de Oro City.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) began another massive relief drive in Northern Luzon
Pag-IBIG Fund officially launched the Pag-IBIG Acquired Assets Online Public Auction (OPA) on Friday (November
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced that the local gaming industry’s Gross
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.