Tutol ang ilang grupo ng mga nurses sa plano ng Department of Health na payagan ang mga unlicensed nurses na magtrabaho sa government hospitals.
Mismong si Philippine Nurses Association (PNA) president Melvin Miranda tutol suhestiyon ni Health Secretary Ted Herbosa na bigyan ng temporary license ang mga lumagpak sa board exams ngunit nakakuha ng score sa pagitan ng 70-74%.
“Ang isa sa agam agam natin dito is seemingly, ito kasing 70-74% bibigyan ng temporary license ay hindi pa natin naiko-consider ‘yung kanilang scope of practice. However, since hindi sila considered by our law that they would hold a professional practice, ang magiging burden pa rin dito ay accountability ng ating mga registered nurses,” ani Miranda sa isang television interivew.
Dapat lamang aniya na ibigay ang trabaho sa mga registered nurses dahil na din sa ang kanilang trabaho ay matiyak ang kaligtasan ng mga pasyente.
“Kung ang isang nurse ay definitely recognized as licensed, ‘yung level of confidence niya at saka ‘yung kanyang competence ay mahahalintulad sa isang propesyonal na pag-function niya ng kanyang propesyon. Kapag ito ay mako-consider natin na temporary license, wala pa kasing definite na pag-aaral kung saan sila ay naka-achieve na ng high level of confidence sa pag-perform ng kanilang mga tasks,” dagdag ni Miranda.
Kapareho din ang pananaw ni Filipino Nurses United (FNU) secretary general Jocelyn Andamo lalo na’t marami pa umanong registered nurses ang hindi pa nabibigyan ng plantilya sa gobyerno.
“FNU’s stand is DOH should prioritize employing registered unemployed nurses or those working in non-nursing jobs. There are around 120,000 nurses categorized by DOH who are working in unspecified field of practice.These may be those unemployed and or those in non nursing jobs,” ani Andamo.
Dagdag pa ni Adamo, mas mainam na tutukan ng DOH kung paano maitataas ang sweldo at benefits ng mga nurses sa Pilipinas.“The wages should be increased to P50,000 entry salary, give them regular, permanent positions and provide adequate benefits,” ani Adamo.
Recent News
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR’s) massive relief drive for areas affected by Tropical
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) said it has tweaked its “Bingo for A
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.