Nagbigay ng relief aid ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa libo-libong mga tao na naapektuhan ng pag-alboroto ng Mayon Volcano.
Kamakailan lamang ay pormal na ibinigay ni PAGCOR Chairman at CEO Alejandro Tengco ang 6,000 packs na naglalaman ng food at non-food items kay Albay 2nd District Representative Joey Salceda na isinagawa sa executive office ng ahensiya sa Maynila.
Ang mga nasabing relief goods ay ipapamahagi sa mga residente ng iba’t ibang bayan sa Albay na agad inilikas nang ideklarang nasa danger zone ang kanilang komunidad ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Ayon kay Salceda, kailangan nila ang lahat ng tulong na kanilang matatanggap ngayong walang katiyakan kung kalian titigil ang aktibidades ng Mayon.
“Nagpapasalamat po ako dahil laging nariyan ang PAGCOR para tumulong. Lalo na’t kailangang- kailangan namin ng suporta dahil pangmatagalan ang aktibidad ng Mayon at sa ngayon nga ay nasa 15,000 katao na ang apektado,” ani Salceda.
Samantala tiniyak naman ni Tengco na kanilang naiintindihan ang kalagayan ng mga residente malapit sa Mayon.
“We hope that these care packages that we donated to affected Albayanos will bring relief to their difficult situation. Rest assured that PAGCOR will do what it can to answer the call for help of our affected kababayans,” pahayag ni Tengco.
Taong 2018 nang magpaabot ng tulong ang PAGCOR sa libo-libong residente ng Albay na naapektuhan noon ng phreatic eruption ng bulkan. Nagsagawa noon ang state-run gaming firm ng feeding programs para sa libo-libong tao sa iba’t ibang evacuation centers sa Tabaco, Malilipot, Camalig, Legazpi City, Daraga, Guinobatan, at Sto. Domingo sa Albay.
Recent News
A housewife from Calamba, Laguna won the MegaLotto 6/45 jackpot prize amounting to ₱30, 221,
Mandaluyong City – A stay-at-home mother from General Trias, Cavite, has claimed the P19,033,913.00 jackpot
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) began another massive relief drive in Northern Luzon
Pag-IBIG Fund officially launched the Pag-IBIG Acquired Assets Online Public Auction (OPA) on Friday (November
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced that the local gaming industry’s Gross
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.