Nagsampa ang kampo ni suspended Congressman Arnolfo Teves, Jr. ng isang urgent motion para mag-inhibit ang mga prosecutors ng Department of Justice (DOJ) sa kaniyang kaso.
Inirepresenta ni Atty. Ferdinand Topacio si Teves sa pagsampa ng nasabing mosyon sa DOJ kung saan sinabi nito na hindi patas ang nasabing mga prosecutors sa paghawak ng kaso ni Teves sa Roel Degamo murder case.
“It is a tragedy that Teves, Jr. can never be sure that true justice will be achieved before the Department of Justice due to the undue influence that Sec. (Crispin) Remulla’s statements bring to the case,” ang laman ng nasabing mosyon.
Iginiit din ni Topacio na hindi patas ang mga inilalabas na statements ni Remulla sa mga media briefings at interviews.
“Hinihiling po natin na mag-inhibit ang buong DOJ sa pagdinig ng kaso ni Cong. Teves dito sa murder case sapagkat para sa amin ay pronounced na na siya ay guilty ng kalihim ng DOJ,” ani Topacio.
Matatandaang si Teves ay inituturing bilang isa sa mga mastermind sa nangyaring pamamaslang kay Degamo at walong iba pa sa kanyang tahanan sa Pamplona noong Marso 4.
Ang mambabatas ay kasalukuyang nahaharap din sa mga reklamo kabilang ang mga pagpatay noong 2019, iligal na pag-aari ng mga baril at pampasabog.
Nais ng kampo ni Teves na ang Ombudsman ang humawak ng Degamo murder case.“Since the Office of the Ombudsman is granted by law the power to investigate and prosecute any act or omission of any public officer or employee, it necessarily has jurisdiction to conduct preliminary investigation on this case against Teves, Jr., who is an elected public official as congressman in the third district of Negros Oriental,” saad sa nasabing mosyon.
Recent News
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
In response to the effects caused by Typhoon Kristine, Pag-IBIG Fund has announced the availability
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) announced today that its revenues for the first
PAGCOR LAUNCHES NEW FLAGSHIP PROJECTS WITH DEPED, DPWH The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.