MAY kapangyarihan ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na bawiin ang karapatan ng mga Small-Town Lottery (STL) operators na ipagpatuloy ang kanilang operasyon kapag napatunayan na lumalabag sila sa Agency Agreement Contract.
Napagtibay ito base na rin sa desisyon ng Mandaluyong City Regional Trial Court Branch 209 kamakailan kung saan kinatigan nito ang kapangyarihan ng PCSO na bawiin ang lisensya ng STL operator na Saturn Gaming Corporation.
Matatandaan na una nang binawian ng PCSO Board ng karapatan na mag-operate sa Southern Leyte at lalawigan ng Cebu ang Saturn Gaming noong Marso 8 ng taong ito, matapos mapatunayan ang mga paglabag nito sa mga alintuntunin na nakasaad sa Agency Agreement Contract.
Sa desisyong inilabas ng Mandaluyong City Regional Trial Court Branch 209, pinagbigyan din nito ang hiling na Omnibus Motion ng PCSO, para ipawalang bisa ang nauna nang writ of preliminary injunction na nakuha ng Saturn Gaming laban sa PCSO noong Mayo 19, 2023.
Ang nasabing preliminary injunction ang ginamit ng gaming firm na sandata para patuloy na mag-operate sa kabila ng una ng desisyon ng PCSO na tanggalan sila ng karapatan noong Marso 8.
Sa nasabing desisyon ay ibinasura rin ng korte ang hiling ng Saturn Gaming na ma-contempt ang PCSO kaugnay ng reklamo na isinampa nito noong Mayo 31ngayong taon, dahil na rin aniya sa pagsuway umano ng ahensya sa writ of preliminary injunction na nakuha nila noong Mayo 19 pabor sa kanila.
Sa harap ng usaping ito, sinabi ni Presiding Judge Monique Quisumbing-Ignacio ng Mandaluyong Trial Court Branch 209, na may timbang at naaayon sa batas ang Omnibus Motion ng PCSO base na rin sa ilang kadahilanan.
Una na rito ang katotohanan na ang Saturn Gaming Corporation ay isang ahente lamang ng PCSO, “kaya natatali ito sa mga probisyon ng Agency Agreement na dapat nitong sundin”.
“At sa sandalling labagin ito ng Saturn Gaming ay may karapatan ang PCSO na kanselahin anumang oras ang kanilang karapatan parang maging STL operator,” sabi ng desisyon.
Binigyang diin din ng korte na walang likas na karapatan ang Saturn Gaming at nakakapag-operate lamang ito base sa mga pribelihiyong ibinigay ng PCSO.
“Issuing a writ of preliminary injunction (by the court) would create a new contract or alter the Agency Agreement,” sabi pa ng desisyon.
“The court rightly recognized that it has no authority to modify or create new agreements,” dagdag paliwanag ng korte.
Pinagbasehan din ng korte ang Small-Town Lottery Implementing Rules and Regulations (STL-RIRR), kung saan nakasaad dito na may kapangyarihan aniya ang PCSO na putulin ang Agency Agreement kapag may mga paglabag sa probisyong nakasaad sa kasunduan.
Malugod namang tinanggap ni PCSO General Manager Mel Robles ang desisyon sa pagsasabing wala silang ibang hangad kundi linisin ang operasyon ng STL sa bansa.
Nagbabala rin siya sa mga ibang STL operator na nagbabalak na sumunod sa yapak ng Saturn Gaming sa pagsasabing hindi sila magdadalawang-isip na tanggalan din sila ng Karapatan na mag-operate kung mapapatunayan na lumabag sila sa AAC.
Matatandaan na na una ng sinuspendi ng PCSO ang operasyon ng Saturn Gaming noong Marso 8, 2023, dahil sa maraming paglabag sa terms and conditions ng ACC Agreement, base na rin sa Board Resolution No. 55 Series of 2023.
Subalit noong Mayo 26, 2023 ay sinabi ng Saturn Gaming Corporation na magpapatuloy sila ng operasyon matapos makakuha ng injunction laban sa order ng PCSO kay Judge Aileen Saquing Agacita of Branch 213.
Noong Hunyo 2, 2023, ay nag-inhibit si Agacita sa kaso para aniya ay “mawala ang anumang duda at maitaas ang integridad ng hustisya sa bansa”.
Recent News
Mandaluyong City – A stay-at-home mother from General Trias, Cavite, has claimed the P19,033,913.00 jackpot
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) began another massive relief drive in Northern Luzon
Pag-IBIG Fund officially launched the Pag-IBIG Acquired Assets Online Public Auction (OPA) on Friday (November
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced that the local gaming industry’s Gross
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.