Inaasikaso na ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang kanilang plano at programa para gawin ang Pilipinas na maging leading gaming destination sa ASEAN region.
Inimbitahan si PAGCOR Chairman at CEO Alejandro H. Tengco na magbigay ng keynote address sa ikatlong araw ng G2E Asian IR Summit sa Macau noong July 13 kung saan ipnahayag nito ang kaniyang optimism ukol sa mga gaming regulatory reforms.
Kumpiyansa si Tengco na mas magiging responsive ang Philippine gaming industry sa mga pagbabago sa industriya habang natutugunan nito ang sinasabing “social ills” pagdating sa gaming operations.
Unti-unti naman na nakabawi ang Philippine gaming industry pagpasok ng new normal. Matapos ang mandato nito na i-regulate at pagtibayin ang integrity ng gaming operations sa bansa, nakapag-generate ang pagcor NG P58.96 billion na kita noong 2022 o 66.16% year-on-increase. Ito ay buhat sa P35.48 billion total income noong 2021. Samantala ang net income noong isang taon ay umabot ng P4.45 billion o pagtalon ng 2,000% mula sa P203.57 million noong 2021.
“By focusing on its regulatory functions, PAGCOR will be able to avoid the complexities of running two different shows. It can also streamline its processes and create more revenues that will fund more high impact government projects,” ani Tengco.
Samantala tiniyak naman ni Tengco na nakikipag-ugnayan na sila sa kinauukulan upang labanan ang mga illegal activities kung saan nagagamit o nababahiran ang pangalan ng PAGCOR.“We shall undertake this painstaking process to weed out the unscrupulous companies and individuals using the PAGCOR license for illegal activities, tainting the name of the whole industry and most especially the Philippines,” dagdag pa ni Tengco.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) began another massive relief drive in Northern Luzon
Pag-IBIG Fund officially launched the Pag-IBIG Acquired Assets Online Public Auction (OPA) on Friday (November
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced that the local gaming industry’s Gross
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.