Nais nating sagutin ang mga pahayag ni Atty. Nicole Rose Margaret Jamilla na ipinapasa sa PAGCOR ang sisi kung bakit may mga kasong kriminal na isinampa ang Department of the Interior and Local Government laban sa kanyang kliyenteng si Mayor Alice Guo ng Bamban, Tarlac.
Malinaw ang mga patakaran ng PAGCOR. Kapag lumabag sa batas ang mga binigyan namin ng lisensiya, ito man ay provisional license o regular license, pinapatawan agad sila ng matinding parusa at multa, at kung malubha ang kasalanan ay kinakansela agad ang lisensiya.
Walang kinalaman ang PAGCOR sa pagbibigay ng mga lokal na business permit at lisensiya. Hindi rin namin responsibilidad ang inspeksyon ng mga gusaling wala sa ilalim ng aming poder. Ang pag-iisyu ng gaming license ay batay sa aming sariling panuntunan at sa mga dokumentong isinusumite ng mga aplikante.
Sa kaso ng sinalakay na compound sa Bamban noong Marso 13, 2024, isa sa mga kumpanyang nasa loob ng compound ay ang Zun Yuan Technologies, Inc. na noon ay may hawak na provisional license mula sa PAGCOR na ipinagkaloob noong Oktubre 19, 2023.
Ang nakarehistrong address ng Zun Yuan ay nasa ikalawa, ikatlo at ikaapat na palapag ng A1 Building sa loob ng compound ng Baofu Land Development Inc. May mga tauhan doon ang PAGCOR mula sa Compliance, Monitoring and Enforcement Department upang bantayan ang kanilang operasyon.
Bukod sa nasabing address, walang krapatan ang PAGCOR na puntahan ang ibang mga gusali sa loob ng nasabing compound na mahigit walong ektarya ang lawak, kung saan ang ibang mga gusali ay malalayo at hindi basta-basta mapapasok. Walang legal na batayan ang mga tauhan ng PAGCOR upang pasukin at alamin ang nangyayari sa mga nasabing pribadong lugar dahil labas ito sa aming saklaw.
Bukod sa pagmamatyag at pagpapatupad ng aming mga alituntunin, ang tanging papel lamang ng PAGCOR sa sinalakay na compound ay ang pagbibigay ng pansamantalang lisenya sa Zun Yuan Technologies, na agad binawi matapos ang raid noong Marso 13.
Bilang paglilinaw, sa panahon lamang ng kasalukuyang pamunuan ng PAGCOR natuklasan at naisiwalat ang mga totoong anomalyang sangkot ang mga Philippine Offshore Gaming Operators o POGO.
Sa panahon lamang ng kasalukuyang administrasyon ng PAGCOR nagkaroon ng hindi kukulangin sa sampung pagsalakay laban sa mga hinihinalang gawaing krimina; sa loob ng mga POGO kaya nalantad ang mga anomalya katulad ng natuklasan sa Bamban, Tarlac.
Recent News
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) began another massive relief drive in Northern Luzon
Pag-IBIG Fund officially launched the Pag-IBIG Acquired Assets Online Public Auction (OPA) on Friday (November
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) today announced that the local gaming industry’s Gross
Pag-IBIG Fund, in coordination with the Presidential Communications Office (PCO), participated in the Philippine Information
The Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) formally opened the second leg of the 2024
Pag-IBIG Fund reached new heights as the agency breached the P1-trillion mark in Total Net
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.
Mezzanine Floor Richwell Center
102 Timog Avenue, Quezon City
Philippines 1103
In 2016, the company became a corporation. Started as a television production outfit in 2002, BMUI evolved from one television show titled “BITAG”.