AKALA MO’Y NAG DUTY-FREE LANG, LALAKI TIMBOG SA P3-M TOWNHOUSE ROBBERY

Mapapahiya mga Akyat Bahay gang members sa magnanakaw na ito.

Isang lalaki ang natimbog matapos manloob sa dalawang townhouses sa Quezon City.

Ang suspek na si John Daniel Manlapaz na naaresto sa Caloocan City matapos ma-trace ang GPS ng isa sa mga gadgets na kaniyang ninakaw.

Sa kuha ng CCTV, nakita pa na kumain, nagyosi at tumambay ng lampas isang oras ang 23-anyos na suspek sa townhouse na ninakawan nito sa Barangay Obrero sa QC.

Sa isa pang kuha ng CCTV, makikita si Manlapaz na naglalakad sa kalsada dala dala ang mga mamahaling sapatos at ilan pang mga gamit na animo’y nag shopping lang sa Duty Free. Mga collector’s items na relo, gadgets, designer shoes, belts na nagkakahalaga ng lampas tatlong milyong piso ang narekober sa suspek. 

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x