Naging maingay ang pangalan ng rookie coach ng Converge na si Aldin Ayo kaugnay sa kumakalat na balita na lilisanin na niya ang Converge FiberXers bilang head coach nito.
Ngunit mariin nang sinabi ni Ayo na gusto na nitong manatili bilang head coach ng Converge ng pang matagalan pagkatapos malaglag ang karera ng FiberXers kontra San Miguel sa quarterfinals ng PBA.
“I signed a multi-year contract, and ang objective naman namin is to develop these players,” saad ni Ayo.
“I know [iyong] history ng career ko, moving from one team to another. But I think I’ve found a team, a management na magaan eh,” dagdag pang sinabi ni Ayo.
Bago pa mapunta sa PBA si Aldin Ayo, naging matagumpay na ang naging karera ng nito sa collegiate scene kung saan napag-champion niya ang Colegio de San Juan de Letran noong 2015 at De La Salle University noong 2016.
Napaabot naman niya hanggang finals ang University of Santo Tomas noong 2019 ngunit nagbitiw din ito kasunod ng Sorsogon bubble mess.
Nag-coach din siya sa Muntinlupa Cagers sa Maharlika Pilipinas Basketball League at nagsilbi bilang head trainer ng Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 bago siya gumawa ng malaking hakbang sa PBA sa pamamagitan ng pagpirma sa FiberXers.
“I’m planning to settle down here and work for them. Whatever they want to happen to the team, the coaching staff will make sure that we will accomplish what the management wants to achieve,” dagdag pang sinabi ni Ayo.