ALEX EALA, BIGO SA SINGLES SA W60 CHIASSO; LAGLAG SA DOUBLES

Maagang natanggal sa opening round ng W60 Chiasso sa Switzerland noong Myerkules ang pambato ng Pilipinas sa Tennis na si Alex Eala. 

Dinomina ng Romanian Veteran na si Alexandra Cadantu-Ignatik ang laban sa scores na 6-0, 6-2. Sinubukan pang humabol ni Eala ngunit nabigo ito. 

Dahil dito, susunod na makakatapat ni Cadantu-Ignatik  si Elina Svitolina ng Ukraine.

Nitong Martes, maaga ding na-eliminate sa doubles competition si Eala kasama ang kanyang partner na si Barbora Palicova ng Czech Republic sa scores na 6-3, 4-6, 13-11 kontra sa fourth seed partners na sina Anna Siskova ng Czech Republic at ang Indonesian veteran na si Beatrice Gumulya ng Indonesia. 

Mananatili ang 17-anyos na Pinoy athlete  sa Switzerland upang paghandaan ang kanyang susunod na torneyo sa Raiffeisen Bellinzona Ladies Open 2023.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x