ALEX EALA, PASOK SA DOUBLES SEMIFINALS

Nakalusot sa doubles semifinals si Alex Eala kasama ang kanyang kakampi na taga Lithuania na si Justina Mikulskyte.

Tinalo ng dalawa sa doubles quarterfinals ang no.4 seed na sina Vivian Heisen and Julia Lohoff ng Germany upang maka-abante sa semis sa scores na 7-5, 6-4,sa W60 Trnava 2nd Empire Women’s Indoor Tennis Tournament na ginanap noong Thursday sa TC Empire court sa Slovakia.

Sunod na makakalaban ni Eala at Mikulskyte sa semifinals ang top seed na sina Alicia Barnett at Olivia Nicholls ng Britanya mamayang gabi, 9:00pm (Philippine Standard Time)

bigo namang makapasok si Eala sa quarterfinals ng Women’s Singles matapos talunin sa round 16 ni Sonay Kartal ng Britanya 6-2, 6-2, upang matapos ang kanyang takbo sa torneyo. Hindi niya nagawang dalhin ang impresibong performance noong kinalaban niya sa round 32 ang taga Spain na si Leyre Romero Gormaz ng tapusin niya ang laro sa straight sets, 6-1, 6-0.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x