AMA SA CANDELARIA QUEZON, PINALAKOL NG NAKAALITAN NG ANAK, PATAY

Likas sa mga magulang ang ipagtanggol ang kanilang anak kung ito ay naaapi o naaagrabyado. 

Maliit o malaking away man ang ating kasangkutan, palaging nandyan ang ating mga magulang upang tayo ay protektahan sa anumang kapahamakan.

Sa isang kaso na idinokumento ng Bitag Crime Desk noong 2018, isang ama sa Candelaria, Quezon ang kasamaang palad na pinagtataga hanggang sa mapatay ng taong nakaalitan ng kanyang anak.

“Nang madatnan po ng kapulisan ang crime scene, nakahilata na yung biktima puno ng dugo sa kanyang katawan. Pinalakol sya dito sa parteng likuran, sa leeg at sa ulo,” paglalarawan ni PCI. Panganiban.

Kinilala ng Candelaria Municipal Police ang biktima bilang ang 51-anyos na si Efren Cornejo, dating overseas Filipino worker (OFW).

Tinukoy naman ang suspek sa krimen bilang Jhomel Marasigan, 19-taong gulang, isang magsasaka.

Base sa imbestigasyon, pinuntahan ni Efren ang bahay ni Jhomel gabi ng April 7, 2018 upang kumprontahin matapos nitong malaman na dating inagrabyado ng suspek ang kanyang 23-anyos na anak na si Mervin.

“Bago nangyari ang krimen ang biktima ay nakikipag inuman sa isang binyagan. Habang sila ay nag iinuman, nabanggit ng kanyang isang kainuman na ang kanyang anak ay hinamon umano ng suspek ng tagaan,” wika ni PCI. Lorenz Panganiban ng Candelaria Police Station.

“At yun siguro ang kinagalit ng magulang kaya pinuntahan niya ang suspek sa kanyang bahay,” dagdag pa nito.

Ano ang mga sumunod na nangyari sa bahay ni Jhomel? At ano ang nag udyok sa suspek upang gawin ang karumal-dumal na krimen? Alamin ang buong istorya:

YouTube player
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x