ANG EMERGENCY CARE BENEFIT AY MAAARING MAGAMIT SA LAHAT NG  PHILHEALTH-ACCREDITED NA OSPITAL

Muling ipinapaalala na ang lahat ng mga miyembro ng PhilHealth ay maaaring maka-avail ng  Outpatient Emergency Care Benefit (OECB) Package sa lahat ng Levels 1 to 3 na  PhilHealth-accredited hospital mula pa noong Pebrero 14, 2025. 

Inuulit din ang paglilinaw sa PhilHealth Advisory No. 2025-0009, na nilagdaan noon ding  Pebrero 14, 2025, na hindi kinakailangan ng hiwalay pang accreditation para maihatid ang OECB Package dahil ang kakayahan ng mga Health Facilities para sa benepisyong ito ay  kasama nang nasuri noong sila ay nabigyan ng PhilHealth accreditation. 

Maaaring dumulog ang mga miyembrong hindi nakatanggap ng OECB sa PhilHealth 24/7  touch points: (02) 866-225-88; mobile numbers 0998-857-2957, 0968-865-4670, 0917- 1275987 or 0917-1109812.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x