APAT NA PALAPAG NA BAHAY SA MALABON, GUMUHO; 3 SUGATAN

Tatlo katao ang sugatan matapos gumuho ang isang apat na palapag na bahay sa Malabon City kaninang umaga, Dec. 4, araw ng Linggo.

Sa ulat ng Super Radyo dzBB, nangyari ang pagguho bandang alas-7:00 ng umaga sa Orchid St., Brgy. Longos, Malabon City.

Kinilala ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang tatlong sugatang biktima na sina Rob Tombocon, Francisco Catindoy at Ronalyn Tombocon.

Agad silang nilapatan ng paunang lunas ng emergency rescue team ng Philippine Red Cross (PRC) bago sila dinala sa pinakamalapit na ospital.

Isa sa nakikitang dahilan ng pag-collapse ng bahay ay ang mahinang pundasyon nito.

Iimbestigahan din ng Malabon City Building Office kung may mga insidente ng paghuhukay o construction sa paligid ng residential area na posibleng nag-trigger sa pagguho nito.

Ayon sa ilang residente, may naramdaman silang pagyanig ng lupa bago tuluyang bumigay ang pundasyon ng gusali.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x