BABAE, 10 ORAS INILIBING NG BUHAY SA SEMENTERYO

Sampung oras inilibing ng buhay ang isang babae sa sementeryo sa Visconde do Rio Branco Mina Gerais, Brazil Martes, Marso 28, 2023.

Ayon sa local news, narinig ng mga sepulturero ang hiyaw ng babae na humihingi ng tulong. Napansin din ng empleyado ang damit na may mantsa ng dugo malapit sa libingan.

Agad na tumawag ng pulis ang mga empleyado at nailigtas ang babae.

“Police heard someone inside calling for help, broke the brick wall and removed a woman, who had injuries on her head and arms,” ayon sa isang statement.

Ayon sa salaysay ng biktima sa mga pulis, inilibing umano siya ng dalawang nakamaskarang lalaki noong Lunes ng gabi matapos looban ang kanilang bahay.

Nakatakas daw ang kanyang asawa pag-atake habang siya ay dinala sa nasabing sementeryo.

Sa pag-iimbestiga ng mga pulis, posibleng umanong revenge attack ng mga gang ang nangyari, matapos daw mawala ang mga iligal na droga at baril na inilagay sa loob bahay ng biktima.

Pinaghahanap ng Mina Gerais Police dalawang suspek na may edad 20 at 22.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x