Kuha sa CCTV ng MRT 3 sa Quezon Avenue Station ang pagtalon ng isang babae sa platform ng istasyon bandang 12:00pm ng tanghali.
Sa isang advisory ng DOTr, nagkaroon ng provisional service mula Shaw Boulevard hanggang Taft Avenue Station. Nanum-balik ang full operation ng MRT bandang 1:20pm.
Samantala, naidala pa sa East Avenue Medical Center ang 73 years old na babae ngunit binawian din ito ng buhay pasado 2:20pm.
Humingi naman ng paumanhin ang MRT-3 management ukol sa nangyaring insidente
“The MRT-3 management would like to apologize to the riding public for the service interruption and inconvenience caused by the incident,” dagdag na sinabi ni Aquino.