Kinastigo ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang pinapakalat sa social media na screenshot ng umano’y malisyosong pag-akusa sa na plagiarized logo umano ng PAGCOR sa isang website na ang pangalan ay Tripper.
Ayon sa PAGCOR, sa anumang gawain nila ay kanilang tinitiyak ang mataas na standard sa kanilang mga aksyon o proyekto.
“The allegation made against PAGCOR is entirely false and driven by malicious intent. Throughout its operations, PAGCOR has consistently upheld the highest standards of integrity, transparency, and accountability. The agency remains dedicated to fostering a safe and thriving gaming industry in the country,” ani PAGCOR sa isang official statement.
Sa kabila nito ay tiniyak ng PAGCOR na kanilang iimbestigahan ang source ng nasabing baseless campaign.
Nanawagan din ito sa publiko na maging mapanuri at mag-ingat sa kung anumang issue ang kanilang mababalitaan ukol sa PAGCOR.
“PAGCOR remains dedicated to responsible gaming, regulation of the Philippine gaming industry and nation building,” ani PAGCOR.“The agency appreciates the public’s support and maintains its commitment to excellence,” dagdag pa sa statement ng PAGCOR.