Bagong NIA chief: “Resolbahin ang kahirapan, hindi paksyon”

Hindi manghi-himasok ang bagong talagang pinuno ng National Irrigation Administration (NIA) na si acting administrator Eduardo Guillen sa sigalot ng mga opisyal ng ahensya.

Si Guillen, dating mayor ng Piddig, Ilocos Norte ang pumalit sa suspendidong NIA administrator na si Benny Antiporda.

May mga nauna na kaming pag-uusap ng presidente, kinakausap niya ako na tumulong sa agrikultura. Noong una sa (Department of Agriculture), pero civil engineer ako by profession, mas kumportable ako dito,” wika ni Guillen sa exclusive interview ng ABS-CBN.

Hindi aniya ang paksyon ng mga opisyal ang totoong problema ng ahensya, kundi ang pagresolba sa matagal nang paghihirap ng mga magsasaka dahil sa kawalan ng sistematikong irrigation system sa bansa.

Hindi pula’t dilaw ang magkalaban. Sabi ko, ‘yang paksyon-paksyon na ‘yan, di magkalaban. Ang kalaban namin sa NIA, ‘yung kahirapan ng mga magsasaka,” wika ni Guillen.

Nanumpa kahapon. Dec. 12, sa Malakanyang si Guillen bilang acting administrator ng NIA, pero kailangan pa itong sumalang sa NIA board para makumpirma ang appointment nito bilang pinuno ng ahensya.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x