BANTAG, NAGPARAMDAM, SUSUKO?

May posibilidad na sumuko sa mga awtoridad si dating Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gerald Bantag , ito ay pagbubunyag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla kahapon (Abril 20).

Ayon kay Remulla, nakipag usap si Bantag sa isang miyembro ng gabinete halos isang linggo na ang nakakaraan kung saan tinanong ng dating BuCor chief kung maaari ba itong sumuko sa mga awtoridad.

“He spoke to my colleague, one of my colleagues in the Cabinet, to say that he may wish to surrender. That’s why we’re not pushing for law enforcement to hurry up the process,” wika ni Remulla.

Tumanggi naman si Remulla na ibunyag ang pangalan ng nabanggit na Cabinet member subalit sinabi nito na posible ang nasabing pagsuko. 

“I was just told by a colleague that he received a call from him (Bantag), asking if surrender was possible, and of course I said yes,” ani ng kalihim.

Matatandaang iniugnay si Bantag at ang kanyang deputy na si Ricardo Zulueta sa nangyaring pagpaslang sa batikang broadcaster na si Percival Mabasa o mas kilala bilang Percy Lapid noong Oktubre nakaraang taon.

Si Bantag at Zulueta ay iniugnay din sa kaso sa pagkamatay ng umano’y tumayong middleman sa pagpaslang kay Lapid na si Jun Villamor.

Ayon kay Remulla, kung totoong inosente sina Bantag at Zulueta ay dapat daw nilang harapin ang mga akusasyon laban sa kanila.

“If they did not do anything wrong, it would be easy for them to go out, because they have confidence that they are innocent,” wika ni Remulla.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x