BANTAG, NANINIMBANG LANG BAGO SUMUKO

Naninimbang lang muna si dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag kung kaya’t hindi pa ito sumusuko.

Sa panayam kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, marahil nais umano ni Bantag na makakuha ito ng patas na pagdinig sa kaso kung kaya’t hindi pa ito lumilitaw.

“I think he is just weighing his chances of getting a fair deal, once he finds out that he can be guaranteed to a talagang ironclad of preliminary investigation,” ayon kay Duterte sa panayam sa SMNI.

May nailabas nang warrant of arrest kay Bantag at sa kaniyang dating deputy officer, Ricardo Zulueta kaugnay ng pagpatay kay broadcaster Percy Lapid at umano’t middleman sa pagpatay na si Jun Villamor.

Kamakailan ay nag-alok ang Department of Justice (DOJ) ng P3 million cash reward sa sino man ang makapagbibigay ng impormasyon para madakip sina Bantag at Zulueta. October 3, 2022 nang mapatay si Lapid sa Las Piñas City habang kaduda-dudang namatay din si Villamor noong October 18 habang ito ay nakakulong sa New Bilibid Prison.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x