Nasawi ang barangay chairman at ang misis nito nang pagbabarilin ng riding in tandem sa bayan ng Asturias, Cebu kahapon, Marso 14, 2023.
Kinilala ang mga biktima na sina Mario Tundag, barangay chairman ng Barangay Manguiao at misis nito na si Edna Tundag.
Ayon sa kuha ng CCTV, habang bumabaybay ang mag-asawa Tundag gamit ang kanilang motor, nakasunod sa kanila ang isang motor na minamaneho ng mga suspek.
Nang makarating sila sa tapat ng Poblacion Central Elementary School, dito na sila binaril ng backrider.
Agad nag U-turn ang mga suspek na dumiretso patungo sa bayan ng Balamban.
Iniutos na ng Cebu Police Provincial Office ang pagsasagawa ng manhunt operation sa mga responsable sa krimen.
Tinitignan anggulo ng ang away sa negosyo, gayundin pulitika dahil sa nalalapit na Barangay at SK election.