Ibinahagi ni dating Cainta Mayor Keith Neito sa kanyang Facebook page ang mga litrato kung saan makikitang ginawang parking lot ng mga residente ng isang subdivision ang isang basketball court.
“Kaya nagpapagawa ng court ang gobyerno eh para malaruan at magamit sa mga events ng komunidad” saad sa Facebook post ni Nieto.
Nakatanggap daw ng report si Nieto mula sa isang concerned citizen at isinumbong na ginawang permanent parking lot ng ilang residente ang isang basketball court.
Agad naman daw niyang ipinag-utos na alisin ang mga nakaparadang sasakyan.
Ililipat na rin daw ang pamamahala ng nasabing basketball court sa Sports Division ng Cainta. Sa kasalukuyan ay City Administrator na ng Cainta ang dating Mayor na si Keith Nieto.