“BETTER AND STRONGER” ALEX EALA, SASABAK SA WTA THAILAND OPEN

Nais ng Filipino Tennis Player na si Alexandra ‘Alex’  Eala na mas higitan pa ang kanyang kakayahan sa  Women’s Tennis Association 250 Thailand Open na gaganapin sa Hua Hin mula Jan. 28 hanggang Feb. 5

Ito ay matapos ang kanyang maagang eksit sa grand slam qualifyers kung saan natalo siya kontra Misaki Doki ng Japan  noong Jan. 9 sa Melbourne, Australia.

“I’ll be back soon and better and stronger,” wika ng 17-anyos na Rafael Nadal Academy scholar.

Noong Martes, lumipad na patungong Thailand si Eala matapos ang maikling oras ng pahinga kasama ang kanyang pamilya sa bansa.

“After a quick training stop in Manila, I’m off to the WTA250 Thailand Open in Hua Hin, Thailand,” ani nito sa kanyang social media post.

Si Eala ang may hawak ng kampyeonato sa US Open junior girls championship na ginanap noong Septyembre nakaraang taon. 

Bukod dito, siya rin ay two-time Junior girl’s double champion at three-time South East Asian Games medalist.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x