Patuloy ang paghina ng bagyong Betty na papalabas na din ng Philippine Area of Responsibility o PAR.
Sa 11am bulletin ng PAGASA, namataan si Betty sa layong 570km Northeast ng Itbayat, Batanes na may lakas na 100kph at bugso na aabot sa 125kph.
Gumagalaw ito papuntang North Northeastward sa bilis na 10kph.
Inaasahan na tuluyan nang lalabas si Betty sa PAR Huwebes ng hapon o gabi.
Sa ngayon ay wala nang typhoon signal sa anumang parte ng Pilipinas.
“However, paglabas niya, makakaranas pa rin po ng mga pagbugso ng hangin ang malaking bahagi ng ating bansa dahil sa habagat o southwest monsoon,” ani PAGASA weather specialist Benison Estareja.