BIG-TIME ROLLBACK! P3.50/L SA DIESEL; P2.60/L SA GASOLINA

Posibleng sumipa ng hanggang P3.50 ang bawas-presyo sa kada litro ng diesel sa susunod na linggo, ayon sa anunsyo ng mga oil industry analyst sa bansa.

Papalo naman mula P2.60 hanggang P2.90 kada litro ang bawas-presyo sa gasolina, habang hindi bababa sa P4.00/litro ang bawas-presyo sa kerosene.

Base sa oil monitoring ng Department of Energy (DOE), ang sunod-sunod na bawas presyo sa produktong petrolyo ay sanhi ng pagbaba ng presyo ng mga oil products sa world market.

Habang papalapit ang Kapaskuhan, lalo din umanong sumisigla ang galawan ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

Pormal na i-aanunsyo ng mga oil players ang halaga ng ipatutupad na rollback sa araw ng Lunes, Dec. 12, at magiging epektibo ang bawas-presyo sa Martes, Dec. 13.

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x